Biyernes, Disyembre 26 2008

PSP SLIM VS DS LITE

Um wala lang akong magawa, kakabili ko lang ng sarili kong gaming console at tuwang tuwa ako. Na sasad lang talaga ako dahil sa kumakalat na kompetisyon sa market ng gaming console. Nagpasya ako gumawa ng sariling review ng PSP at DS at ni review ko sila sa limang aspekto. Design, Gameplay, Features, Performance at Game Library.

I score ko sila base sa review ko at tingnan natin sino sa kanila ang mas maganda.

Design

Parehas binago yung itsura ng mga console nato para mas maging sexy sila. Ang PSP slim ay mas payat at mas magaan sa psp fat at makikita ang kanyang trademark na PS controller layout sa PSP mismo. Ang design ng DS lite ay mas maliit sa unang DS payat at parang mini apple mac book. ang PSP ay may malaking LCD screen at ang DS Lite merong dalawang maliit pero pwede mong isara at itupi ang DS lite para protektahan ang screen nito, dagdag tibay. Parehas maganda, parehas sexy kaya ang score ko

PSP - 4 DS - 4

Gameplay

Ang PSP ay nagbibigay ng mga titles kung saan sanay na ang mga Playstation players. Ang control ay no hassle sa lahat ng mga nagdaan ng playstation kasi parehas lang sila talaga at swak na swak ang pagkakalagay ng analog stick nito for that smooth control. nag simula ito sa mga sinaunang consoles, lahat sila push buttons. bigay edge ang analog para sa smooth control mouse-like manuevers.

Ang DS Lite ay nagbibigay ng kakaibang experience na wala pa sa ibang mga consoles. Mayroon itong touchscreen technology na magbibigay sayu ng mga larong dito mo lang sa DS makikita. Mayron din itong microphone na pwedeng gamitin sa laro for voice command hightech!

score ko PSP - 3 DS - 5

Feutures

Ang PSP ay di lang isang panlaro! isa syang multimedia center sa kamay mo! pag di ka naglalaro pwede mo syang gamitin bilang music player mo (IPOD like), isang picture viewer on the fly at isang movie player with your memory pro stick duo ranging mula 256mb hanggang 16gb! at possibleng 32gb using 3rd party adapters plus sd hc galing japan. Pwede karing gumamit ng mga UMD (Universal Media Disc na mas malakas pa sa mga DVD kasi universal hehe), pwede ka mag stream ng live TV sa PSP mag stream ng media from ps3 papunta sa PSP at mag stream ng video sa wifi papunta ng PSP, mag browse ng internet gamit ang malaking nyang lcd, Mag skype! libre call and text sa america, makinig ng radio sa internet. di pa ko tapos madami pa so naiisip nyu na siguro. Wifi

Ang DS Lite ay ginawa lang para sa laro, meron syang browser pero maliit yung screen, pero yun lang ata. no competition yung screen nya for multimedia purpose sa PSP. may mga 3rd party chorba pang multimedia ang DS pero no competition padin pag dating sa pagiging 'elegant' compared sa PSP kasi di sya designed for that. r4Ds play videos? uu pag naka dpg format yung video. play mp3, just be sure di naka sara yung DS cover mo. it really defeats the purpose, pang family friendly games, mario, zelda lang sya. Ever since naman talaga bata ang target ng nintendo. um multiplayer mahirap pala isetup yung network ng DS sa wifi pero konting practice okidoks na. mario kart buong class room.

basic features lang kasi yung mga homebrew apps di counted dito. Kasi kung isasama pa natin yung mga mga homebrew mas madami paring magandang ilagay na homebrew sa PSP. pwede sya maging pda, universal remote controller at madami pa. Hardware specs naman ang labanan pagdating sa homebrew. parehas sa custom firmwares, wala ako masabi PSP parin for hardware specs

DS Interactivity madami ding 3rd party chorba ang nagawa ng hardware for DS like yung pindutan for guitar heroes. tapus stylus pang strum mo.

score ko PSP - 5 DS - 2

Performance

Ang PSP ay may portable graphics na wlang katulad at walang katapat. Isa syang portable PS2 at ang mga games na graphics hungry ay seksing sexy sa widescreen nito. ang loading ng mga games ay mabilis pero minsan mag aantay ka pa rin. Ang battery life um, mga 4-5 hrs ng laro bago kailangan mo ulit sya i charge.

Ang DS naman, di ka mapapawow sa graphics pero ang lifetime ng battery nito ay sobrang haba. aabot ka ng 8hrs dito bago ka mag charge ulit. umm game loading, negligible kasi maliit lang sila halos walang load time. Pero ayun sa nabasa ko, ingat sa battery bumababa din ng 5hrs playing time max nun.

ang score ko PSP - 3 DS - 4

Game Library

Ang mga laro ng PSP ay para sa mga hardcore gamers (teens to young adults) na mahilig magpuyat with wowowee graphics at ang mga titles nito ay di nalalayo sa mga laro ng PS2 na parehas mabuti at masama para sa PSP.

Ang mga laro naman sa DS Lite ay target ang mga casual gamer (young kids, old people) na gustong malibang lang talaga sa paglalaro at nasanay sa mga simpleng interface at madaling laruin na mga games na di nakakasawa, mga pambatang unique games at awesome unique gaming experience with that stylus na mga laro.

parehas maraming magagandang titles para sa mga consoles na to. palagay ko di kailangan ng stylus sa mga hardcore games kasi mas mahirap kontrolin. Imagine playing god of war, SOCOM, Ace Combat um crisis core at yung mga hardcore games with stylus interaction. I also think na masaya nga yung mga laro with stylus pero eto napasok sa isip ko pag sinabing stylus, interaction with shapes, up and down, left and right, diagonal up, diagonal down, small circle, small circle big circle..... Pag yung mga laru mo ay mabubuhay sa mga ganitong shapes, patok ang stylus. well hi tech nga eh.

score ko PSP - 4 DS - 4

lets count the scores

PSP - 19
DS - 19

wow! its a tie!

umm eto lang talaga masasabi ko. Walang nagsasabing panget ang DS, walang nag sasabing maganda ang PSP. Its all about what player you are and what you need.

Kung isa kang multimedia freak and gusto ng mga wow graphic games na not for just passing time, sleek gadget that has it all go for PSP.

Kung gusto mo namang simple kiddy, interactive at unique fun games, go for DS Lite

PSP and DS has their own pros and cons, their value for your money will depend on you. parehas sila maganda, parehas pantanggal stress, there shouldn't be any competition. Yung maganda para sayu ay pwedeng panget para sa iba. Bumili ka na ng console mo and enjoy having a gaming console in your hands......................... literally.

if you're not a hardcore gamer you're a casual gamer and vise versa.

market prize
PSP 2000 10K-12k PSP 3000 9k
DSLite
6k-10k

XMAS

Merry Christmas and a Happy new Year! love you babe!